(bati mode:)
salamat po kay shanejosh.. my first comentor.. hehehe
kung napansin nyo magkaiba ang apelyido kay Seph sa tatay nya ay malalamn nyo sa takdang panahon...tnx
________________________________________________________
"tabatchoy lagot ka sa kin" galit kong sabi sa kanya medyo naiiyak na..
"hahaha, oh ano iyakin, naiiyak ka naman ha" patawa-tawang sabi ni berting..
ipinakikilala ko sa inyo si Berting tabatchoy ang masasabi kong di ko kasundo sa lahat ng bagay. Kasi naman lagi akong iniinis at pinaglalaruan lalo pag nakita na nya nga ako ay iiyak na sa tampo at galit. Pero kahit ganun siya ay sa tingin ko ako pa rin ang inaalala niya. Tulad ngayon sumasabay siya akin pag hinahatid ang mga damit sa bahay ni Doña Virginia. Minsan titanong ko sa kanya kung sa kanya kung bakit nya palagi ako sinasabayan pag pumupunta ako sa bahay ng mga Guerero. Ang sagot niya ay ayaw daw niya akong mawala. Nakakatawa nga kasi kahit walong taon pa lang ako ay kabisado ko na ang daan kahit ako ay nakapiring pa ang aking mga mata.
Tabatchoy nga pala ang tawag ko sa kanya kasi halata naman sa katawan niya nga mataba siya at halos magsilabasan ang lahat ng bilbil sa katawan niya. Khit ako ay iyakin siya naman ay ubod ng taba.
"Tabatchoy! bat ba ang taba mo?" tanong ko sa kanya sabay tawa habang naglalakad kami.
"Tabatchoy? hoy! iyakin marunong ka nga gumalang ha!" paangil niyang sagot.
"Gumalang tabatchoy? at bakit naman kuya ba kita ha? ilan taon ka na ba?" sunod-sunod kung tanong ko sa kanya.
"ako? dose pa ako iyaking paslit" galit na sagot nya sabay hampas sana sa supot ng damit sa akin buti na lang nakaiwas ako maliksi yata ito.
"dose? kala ko singkwenta kana kasi ang tabaaaaaaaaa mohhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!hahahahaha" patakbo ko ng sabi sa kanya.
"Tabatchoy mahilig sa kaning lamig, hahaha" ulit ko pa na biro sa kanya.
"kaning lamig pala ha! pwes makikita mo tumakbo kana, pagdating ng panahon maglalaway ka sa katawang ito iyakiiiiiiiiiii............nnnnn" nagpupuyos na galit ni berting.
"anong sabi mo taba!" takbong- tawa ko sabi kay berting.
Hinabol na ako ni tabatchoy siyempre ako tumakbo na rin kahit alam ko na mahihirapan siya sa pagtakbo ayaw ko pa rin mahampas ng supot ng damit anoh masakit yata.
Dahil sa kakatakbo hindi ko na namalayan na malapit na kami sa bahay ng Pamilya Guerero. Ang tinatawag kong bahay ay di ordinaryong bahay. Mga naglalakihang pader ang nakapalibot dito. Ang kanila "gate" ay napakaganda na pininturahan ng ginto at sa gitna nito ay ang letrang G na tingin ko ay unang letra ng kanilang apelyido nito.
Gaya ng dati bigla na naman huminto si berting di kalayuan sa bahay.
"hoy taba! halika k nga dito" tawag ko sa kanya.
"bkit?iyakin" sagot niya
"basta lapit ka!" sagot ko din. Lumpit nga si berting sa akin.
"bakit ba pag nandito na tayo ay bigla ka humihinto ha?" tanong ko kay berting.
"kasi ayaw kong lumapit dyan o tumapak man lang" sagot ni berting.
"at bakit aber" kulit kong tanong sa kanya.
"kasi nararamdaman ko diyan sa bahay na iyan nakatira ang magiging karibal ko" bulyaw niyang sagot sa akin.
"hala, naks naman taba karibal talaga!" patawa kong sabi.
"oo karibal dyan sa pus..........." sasabihin sana ni berting sa akin.
Hindi na natuloy ni berting ang gusto nyang sabihin sa akin kasi biglang bumukas ang malahiganteng gate sa bahay at dumungaw si Aling Merna ang kasambahay ng pamilya.
Dali-daling tumalikod si berting ni hindi man lang nagpaalam sa akin.
"hoy taba! salamat ha sa paghatid" sigaw ko sa kanya kasi mabilis kung lumakad na si berting. Ni hindi man lang lumingon tanging ang kanang kamay lang itanaas at nag "thumbs up sign" ipinahiwatig siguro nya na walang problema.
"Magandang Umaga ho, Nanay Merna" bati ko sa kanya
"Magandang umaga din Seph, halika pasok ka at mag ka meryenda ka muna ha" malumanay na sagot ni Aling Merna.
Si aling Merna ang pinakamatagal na katulong sa pamilya Guerero. Ni hindi na katulong ang trato sa kanya ng mga ito bagkus parang isang kapamilya na. Tantiya ko nasa mga 60 na siya ngunit di mo mababanaag kasi matikas pa rn maglakad at hindi pa ulyanin hehehehe. Mabait si aling merna sa akin palagi niyang sinasabi na magluluto palagi siya ng meryenda pag nandito ako sa malaking bahay. Kaya tinawag ko na siyang nanay kasi super bait siya, ayaw nyo yun may dalawa akong nanay isa sa munting bahay namin at isa din dito sa malaking bahay hehe ang swapang ko anoh
"nako Nay Merna busog pa po ako"tugon ko sa kanya. Pagsisiningungaling ko sa kanya. Eh sa totoo talaga pag pumupunta ako dito magugutom talag ako kasi una, malayo talaga ang amin papunta dito. Pangalwa, si berting muntik naman ako paiiyakin at magtatakbuhan kami at pangatlo, siyempre masarap magluto si nay merna.Sino ba nman ang di magugutom sa tatlong rason na iyan.
"Eh alam ko gutom ka Seph, rinig ko kumakalam ang sikmura mo" sabi ni nay merna, galing manghula parang si madam auring hehehe.
"kaw talaga nay merna, alam mo talaga"
"oh siya halika ka muna sa may kusina at papakainin kita ng minatamis na ube at leche plan" sabi ni nay merna papuntang kusina. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya at nagmamasid sa buong bahay.
Sa kusina...........
"oh ito anak kumain ka ha ng marami, masarap yan" sabi ni nay merna bitbit ang dalawang plato ng leche plan at minatamis na ube.
"wow ang sarap naman nito nay, talagan mauubos ko ito" takam na takam na ako sa meryenda. Kaya dali daling kong kinuha ang isang kutsara para matikman na ang nasa aking harapan na meryenda.
Ako na sana ay kakain na ng biglang may malakas na tinig galing sa aking likuran na boses batang babae..
"At anong ginagawa mo ditoooooooooooooooooooooooo.." sigaw ni Bridget, ang nag-iisang anak na babae ng Pamilya.
"nakoww patay" sabi ko sa sarili ko..
continue...
Sunday, July 25, 2010
Friday, July 23, 2010
my childhood love Part 1
this is my first public fiction story sana magustuhan nyo at open po ang inyong mga comments at suggestions..
__________________________________________________________________________________
"Anak" .. tawag ni Nanay sa akin may likod bahay.
"Nay" sagot ko naman habang naglalaro ng mag-isa.
"Pakidala nman itong nilabhan na mga damit kay Doña Virginia sa kanilang bahay para magamit na nila. Sabihin mo na lang nga ibawas sa utang natin sa kanila ha" utos ni nanay.
"Opo nay sandali lang po at magbibihis saglit"
Ako si Seph short for Sepharano Agustin Jr. walong taon gulang. Mula ng mamatay si Tatay (Sepharano Melero Sr) dahil sa isang aksidente ay kami na lang ni Nanay ang magkasama sa munting lupa at bahay na naipundar ni itay. Medyo malaki ang naging pagkautnag namin sa Pamilya Guerero buhat sa pagkakahospital at paglibing kay tatay, kahit sinabi nila na inaako na nila ang responsibilidad sa lahat ng gastusin. Ang rason kung bakit inaako na nila ang responsibilidad ay yan ang hindi ko alam, tanging si nanay lamang ang may alam sa tunay na rason.
"Nay alis na po ako" .. sabay mano ko sa kanya. Nakagawian ko na kasi na magmano bago umalis at pagdating.
"Sige anak mag iingat ka, medyo malayo pa ang bahay nila Doña Virginia sa atin baka kako kaw ay gabihin na at mukhang uulan pa yata." tugon ni Nanay.
Kahit mabigat ang dalahin ko na mga damit ay kinaya ko. Linguhan kong kunin ni inay sa bahay nila Doña ang mga maruming damit at sa susunod na linggo naman ibabalik.Buti na ang ganito para kahit kunti ay makabawas sa aming pagkakautang sa kanila.
Habang naglalakad ako ay muling sumariwa sa akin ang isang tagpo nung buhay pa si tatay.
"Anak junior" sabi ni itay habang karga karga niya ako pauwi galing sa pagtatanim ng mais sa bukid.
"Ano po yun tay" sagot ko
"Anak ito ay pagkakatandaan mo, kung anuman ang mga hindi namin naabot ng nanay mo na mga pangarap. Sikapin mo anak na abutin yun.Gawin mo sa tama at mabuting paraan para naman maging masaya kami ng nanay mo. Kaya mo yon, anak?"... mahabang sabi ni tatay.
"oo naman tay at bibigyan ko kayo ng maraming apo ni inay, hahaha!" biro ko kay tatay.
"hahahha, kahit wala ng apo anak basta naabot mo ang mga pangarap at gusto mo sa buhay at siyempre ang magpapaligaya sa iyo"
"tay?" nagtatakang sabi ko.
" bat mo nasab...."
"oh, siya anak tayo nat magmadali gutom na si itay" biglang putol ni tatay sa aking sasabihin. Nagtatakan man ay hindi na ako nagtanong pa.
"basta isipin mo anak, mahal ka namin at tanggap ka nami" muling salita ni itay.
Hindi na ako sumagot pa....
0---------------0o0---------------0
Bakit kaya nasabi yun ni tata.......................
"Aray" bigla akong napahinto sa paglalakad, may kung ano biglang pumukol sa akin ng tsinelas. Kitang kitang ko ang lapad ng ngisi ni Berting habang papalapit sa akin...
"tabatchoy lagot ka sa akin" galit kong salita..
continue....

Subscribe to:
Posts (Atom)