Friday, July 23, 2010

my childhood love Part 1

this is my first public fiction story sana magustuhan nyo at open po ang inyong mga comments at suggestions..
__________________________________________________________________________________

"Anak" .. tawag ni Nanay sa akin may likod bahay.

"Nay" sagot ko naman habang naglalaro ng mag-isa.

"Pakidala nman itong nilabhan na  mga damit kay Doña Virginia sa kanilang bahay para magamit na nila. Sabihin mo na lang nga ibawas sa utang natin sa kanila ha" utos ni nanay.

"Opo nay sandali lang po at magbibihis saglit"

Ako si Seph short for Sepharano Agustin Jr. walong taon gulang. Mula ng mamatay si Tatay (Sepharano Melero Sr) dahil sa isang aksidente ay kami na lang ni Nanay ang magkasama sa munting lupa at bahay na naipundar ni itay. Medyo malaki ang naging pagkautnag namin sa Pamilya Guerero buhat sa pagkakahospital at paglibing kay tatay, kahit sinabi nila na inaako na nila ang responsibilidad sa lahat ng gastusin. Ang rason kung bakit inaako na nila ang responsibilidad ay yan ang hindi ko alam, tanging si nanay lamang ang may alam sa tunay na rason.

"Nay alis na po ako" .. sabay mano ko sa kanya. Nakagawian ko na kasi na magmano bago  umalis at pagdating.

"Sige anak mag iingat ka, medyo malayo pa ang bahay nila Doña Virginia sa atin  baka kako kaw ay gabihin na at mukhang uulan pa yata." tugon ni Nanay.

Kahit mabigat ang dalahin ko na mga damit ay kinaya ko. Linguhan kong kunin ni inay sa bahay nila Doña ang mga maruming damit at sa susunod na linggo naman ibabalik.Buti na ang ganito para kahit kunti ay makabawas sa aming pagkakautang sa kanila.

Habang naglalakad ako ay muling sumariwa sa akin ang isang tagpo nung buhay pa si tatay.

"Anak junior" sabi ni itay habang karga karga niya ako pauwi galing sa pagtatanim ng mais sa bukid.

"Ano po yun tay" sagot ko

"Anak ito ay pagkakatandaan mo, kung anuman ang mga hindi namin naabot ng nanay mo na mga pangarap. Sikapin mo anak na abutin yun.Gawin mo sa tama at mabuting paraan para naman maging masaya kami ng nanay mo. Kaya mo yon, anak?"... mahabang sabi ni tatay.

"oo naman tay at bibigyan ko kayo ng maraming apo ni inay, hahaha!" biro ko kay tatay.

"hahahha, kahit wala ng apo anak basta naabot mo ang mga pangarap at gusto mo sa buhay at siyempre ang  magpapaligaya sa iyo"

"tay?" nagtatakang sabi ko.

" bat mo nasab...."

"oh, siya anak tayo nat magmadali gutom na si itay" biglang putol ni tatay sa aking sasabihin. Nagtatakan man ay hindi na ako nagtanong pa.

"basta isipin mo anak, mahal ka namin at tanggap ka nami" muling salita ni itay.

Hindi na ako sumagot pa....

0---------------0o0---------------0

Bakit kaya nasabi yun ni tata.......................

"Aray" bigla akong napahinto sa paglalakad, may kung ano biglang pumukol sa akin ng tsinelas. Kitang kitang ko ang lapad ng ngisi ni Berting habang papalapit sa akin...

"tabatchoy lagot ka sa akin" galit kong salita..

continue....

No comments:

Post a Comment